Comedian and entertainment columnist Ogie Diaz said he is dismayed over President Rodrigo Duterte’s latest rape remark.
Duterte said that he would “congratulate” those who would rape Miss Universe candidates would die.
In his Facebook post on July 16, Diaz urged those who love Duterte to tell him that rape shouldn’t be joked about, adding that Duterte’s accomplishments got overshadowed by his rape joke.
[ads2]
“Kung talagang mahal natin ang Pangulo, iparating natin sa kanya na hindi ginagawang joke ang rape.
Nababalewala ang magagandang ginagawa niya dahil sa rape joke niya. Kung isang kanto boy siguro o isang mangmang ang nagsabi no’n, baka balewalain pa natin.”
Diaz said that as the “father of the nation” in the next five years, Duterte is supposed to protect his fellow Filipinos, promote good manners, and protect the women. However, he said that because of the President’s rape joke, he wanted to keep his heads bowed instead of looking up to Duterte.
“Pero isang Pangulo, eh. Pangulo ng bansa. Ama ng Pilipinas sa susunod pang limang taon. Sinasandalan natin. Magpoprotekta sa mga naaapi niyang kababayan. Magtataguyod ng ginhawa at mabuting asal sa mga Pilipino para sa tagumpay ng bayan. Inaasahan nating magtatanggol sa mga kababaihan.
Tinitingala.
At dahil sa rape joke niya, gusto kong yumuko pansamantala.”
The columnist also hit the people surrounding Duterte for not correcting him, adding that he cannot excuse Duterte’s behavior just because of his accomplishments. He said that it is only expected for the President to do good things for the country.
“Andami n’yong nakapaligid sa Pangulo. Maanong sabihan n’yo kung talagang mahal n’yo siya. Kung totoong nagmamalasakit kayo sa kanya. Na tama na ‘yung nauna niyang pagkakamali tungkol sa rape. Natuto na siya dapat doon.
Nabasa ko sa isang comment, “Joke lang naman ‘yon. Saka ganu’n naman siya eversince, hindi pa ba kayo nasanay? May ni-rape na ba siya sa joke niya? Wala naman, ah? Ang dami na niyang ginagawang maganda sa bansa, bakit hindi yon ang i-appreciate n’yo?”
[ads1]
Kailangan talagang isumbat ang magagandang nagawa para sa bansa? Eh, kahit naman sino ang maging Pangulo, ‘yun naman talaga ang inaasahan natin sa kanya, di ba?
Hindi ba pwedeng kung maraming nagagawang maganda eh dagdagan na lang kesa mag-joke tungkol sa rape?”
Recalling how he defended Duterte before, Diaz said that the President’s latest rape remark is already a “replay” of his previous mistakes. He said he wanted Duterte to stop with the rape jokes and even offered to lend some of his more updated jokes to the President.
“Ilambeses ko na ring naipagtanggol ang Pangulo noon, dahil sa panghuhusga sa kanya ng ilang maka-dilaw. Pero ito kasing rape joke, replay na, eh. Tama na po ang rape joke, Mahal na Pangulo. Hindi po siya kahit kelan nakakatawa.
Kung gusto n’yo po ng ibang jokes, o nauubusan na kayo, ang dami ko pong baon. Pwede ko pong i-share sa inyo. Pang-millenials pa ang datingan, pwede n’yo po akong ipatawag kung type n’yo.”
Diaz also expressed his fear that some people might take Duterte’s rape remarks seriously and deem it “cool” to commit the crime.
“Huwag lang po ‘yung joke na pwedeng totohanin ng mga gago at tarantado na kapag nahuli at tinanong kumbakit sila nang-rape, ang isasagot nila ay, “Narinig ko kasi sa Presidente, eh. Parang ang cool lang mang-rape.”
Kaya bago pa mangyari ito, Mahal na Pangulo, ‘wag na po nating bigyan ng idea ang mga gunggong na seryosohin ang joke nyo.”
Diaz urged President Duterte to think of his youngest Duterte to avoid making similar remarks in the future.
“Kahit wag na po ninyong isipin ang mga anak namin. Yun na lang pong daughter nyong si Kitty.”
[ads3]